Wednesday, March 8, 2017

May Lunas sa Kalikasan

 Ang ating kapaligiran ay puno ng mga makabagong teknolohiya at gadget.  Katulad din sa mga karamdaman, maraming mga lumalabas na kakaibang sakit sa panahon ngayon.  Umaasa ang mga tao sa mga synthetic na gamot.  Ngunit may mga panglunas na maari lng nating makuha sa ating kapaligiran at ito ay libre pa.


OREGANO

Ito ay  isang halamang gamot na makikita sa ating mga bakuran.  Ito ay maaring  makalunas sa  sipleng ubo ng mga bata at matanda.  Pakuluan lang ang tinadtad na dahon nito sa loob ng sampung minuto, inumin na parang tsaa tatlong beses sa maghapon.
LAGUNDI
English:Five-leaved Chaste Tree
Scientific Name: Vitex negundo

     Ang lagundi ay isa ring halamang gamot para sa ubo. Ito ay tumutubo kahit saan at lumalaki ito katulad ng isang pangkaraniwang puno.  Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong dahon o kaya ay 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.  Inumin ito 3 beses maghapon hanggang sa mawala ang ubo.
TANGLAD
Scientific Name: Andropogon citratus
English: Lemon grass, Ginger grass

        Sa unang tingin ang tanglad ay parang damo na katulad ng kogon.  Ito rin ay pangkaraniwang inilalagay sa pagkain katulad ng inihaw na manok at ginataang gulay.  Ngunit ang halamang ito ay makakayahan ding makapagpagaling.  Sinasabing maaari itong makalunas sa pagtatae at nakakatulong din ito sa pagpapababa ng blood pressure.
          Pakuluan lamang ng 10 minuto ang 10 pirasong murang dahon sa 2 basong tubig.  Lagyan ng konting asukal at isang maliit na piraso ng dinikdik na luya.  Uminon ng isang tasa sa tuwing dudumi(para sa nagtatae), at isang tasa tatlong beses sa isang araw para sa may mataas na presyon.

BAYABAS
Scientific Name: Psidium guavajava
English: Guava


          Ang bayabas ay isang prutas na napakayaman sa vitamin C. Ngunit ito ay hindi pangkaraniwang halaman lamang, may mga katangian ito na tunay na nakalulunas ng karamdaman.  Ang bayabas ay mabisang lunas sa pagtatae.  Pakuluan lamang ang 10 pirasong dahon nito 2 basong tubig at inimin sa tuwing  dudumi.  Para naman sa galis at sugat, pakuluan ang malinis na dahon ng bayabas at gamiting pang langgas sa sugat o galis.  Gawin ito hanggang kinakailangan.

CACAO
Scientific Name: Theobroma cacao
English: Cacao plant


                 Ang cacao ay  may masarap na bunga na pinag mumulan ng tsokolate.  Ang buto ay maaari ding maging gamot sa eksema.  Isangag lamang ang ang mga buto nito at dikdikin, itapal sa bahaging apektado.  Ulitin ito hanggang sa gumaling ang eksema.


PAPAYA
Scientific Name: Canica papaya
English: Melon tree, Papu

              Ang papaya ay pangkaraniwang makikita lamang sa ating mga bakuran, malimit hindi natin ito pinapansin.  Ito rin ay may bunga na maaaring kainin hilaw man o hinog, ngunit ang bunga nito ay maari ding gamitin panggamot sa tagihawat o acne.  Durugin lamang ang hinog na papaya at lagyan ng katas ng kalamansi.  Ilagay ito sa mukha tuwing pagkatapos maghilamos at panatalihin ito sa mukha ng 30 minuto,banlawan ito ng maligamgam na tubig.


BAWANG
Scientific Name: Allium sativum
English: Garlic

               Ang bawang ay maaring gamitin panggamot sa buni at an-an.  Balatan at durugin ang   at ikuskos ito sa bahaging may empeksyon hanggang ito ay mamula.  Gawin ito 2 beses maghapon.


KAKAWATE
Scientific Name: Gliridia sepium

              Ito ay  maaaring gamiting gamot sa galis-aso o scabbies,  Kumuha lamang ng dahon at katasin.  Ipahid ang katas sa bahaging apektado pagkatapos maligo at bago matulog sa gabi.  Gawin  ito hanggang sa gumaling ang galis-aso.


LUYA
Scientific Name: Zingiber officinale
English: Ginger


               Ang luya ay mabisang gamot sa tonsilitis.  Hugasan at balatan ang isang pirasong luya.  Nguyain ito ng dahandahan at lunukin ang katas.  Gawin ito tatlong beses maghapon o hanggang sa kinakailangan.  Ito rin ay mabisang lunas sa pamamalat ng boses.