Ang ating kapaligiran ay puno ng mga makabagong teknolohiya at gadget. Katulad din sa mga karamdaman, maraming mga lumalabas na kakaibang sakit sa panahon ngayon. Umaasa ang mga tao sa mga synthetic na gamot. Ngunit may mga panglunas na maari lng nating makuha sa ating kapaligiran at ito ay libre pa.
BAYABAS
Scientific Name: Psidium guavajava
English: Guava
Ang bayabas ay isang prutas na napakayaman sa vitamin C. Ngunit ito ay hindi pangkaraniwang halaman lamang, may mga katangian ito na tunay na nakalulunas ng karamdaman. Ang bayabas ay mabisang lunas sa pagtatae. Pakuluan lamang ang 10 pirasong dahon nito 2 basong tubig at inimin sa tuwing dudumi. Para naman sa galis at sugat, pakuluan ang malinis na dahon ng bayabas at gamiting pang langgas sa sugat o galis. Gawin ito hanggang kinakailangan.
CACAO
Scientific Name: Theobroma cacao
English: Cacao plant
Ang cacao ay may masarap na bunga na pinag mumulan ng tsokolate. Ang buto ay maaari ding maging gamot sa eksema. Isangag lamang ang ang mga buto nito at dikdikin, itapal sa bahaging apektado. Ulitin ito hanggang sa gumaling ang eksema.
PAPAYA
Scientific Name: Canica papaya
English: Melon tree, Papu
Ang papaya ay pangkaraniwang makikita lamang sa ating mga bakuran, malimit hindi natin ito pinapansin. Ito rin ay may bunga na maaaring kainin hilaw man o hinog, ngunit ang bunga nito ay maari ding gamitin panggamot sa tagihawat o acne. Durugin lamang ang hinog na papaya at lagyan ng katas ng kalamansi. Ilagay ito sa mukha tuwing pagkatapos maghilamos at panatalihin ito sa mukha ng 30 minuto,banlawan ito ng maligamgam na tubig.
BAWANG
Scientific Name: Allium sativum
English: Garlic
Ang bawang ay maaring gamitin panggamot sa buni at an-an. Balatan at durugin ang at ikuskos ito sa bahaging may empeksyon hanggang ito ay mamula. Gawin ito 2 beses maghapon.
KAKAWATE
Scientific Name: Gliridia sepium
Ito ay maaaring gamiting gamot sa galis-aso o scabbies, Kumuha lamang ng dahon at katasin. Ipahid ang katas sa bahaging apektado pagkatapos maligo at bago matulog sa gabi. Gawin ito hanggang sa gumaling ang galis-aso.
LUYA
Scientific Name: Zingiber officinale
English: Ginger
Ang luya ay mabisang gamot sa tonsilitis. Hugasan at balatan ang isang pirasong luya. Nguyain ito ng dahandahan at lunukin ang katas. Gawin ito tatlong beses maghapon o hanggang sa kinakailangan. Ito rin ay mabisang lunas sa pamamalat ng boses.








nice one ate marisssa
ReplyDelete